The Survey Mirage: What The 2025 Elections Taught Us About Political Forecasting

The unexpected outcomes of the 2025 midterm elections challenge us to rethink our approach to political forecasting. In an era where digital influence reigns, reliance on outdated survey methods leaves us blindsided by the true electorate.

Iloilo City Breaks Ground For 4PH Condo Project

Iloilo City ay nagpatuloy sa kanilang pangako sa pabahay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng 4PH Condo Project.

Bacolod City LGU Transition Team Formed Ahead Of New Administration

Sa kanyang pag-ambisyon sa posisyong pambatasan, itinatag ni Mayor Benitez ang Local Governance Transition Team para sa makinis na paglipat ng pamunuan.

Sagay City Serves Sustainable Seafood With View Of Marine Reserve

Ang Sagay City ay may bagong destinasyon, ang “Pala-Pala sa Vito,” na nag-aalok ng sustainable seafood at kamangha-manghang tanawin ng marine reserve.

Colombia, May Kama Na Nagiging Kabaong

Isang kumpanya sa Colombia, nag-disenyo ng hospital beds na nagiging kabaong.

Colombia, May Kama Na Nagiging Kabaong

9
9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isang kumpanya sa Colombia, nag-disenyo ng hospital beds na nagiging kabaong.

Upang masolusyonan ang kakulangan ng mga hospital beds, gumawa ang ABC Displays ng mga hospital beds na nagiging kabaong.

Ito ay para na rin sa mas ligtas na pagsasaayos ng mga coronavirus disease-2019 (COVID-19) na pasyente.

Dahil pwedeng magamit ang mga ito bilang kabaong, mababawasan ang tsansang makalakap ng impeksyon ang healthcare worker na responsable rito sapagkat hindi na nila kailangang hawakan ang mga namatay.

Ayon kay Rodolfo Gomez, manager ng kumpanya, ito ay tumatagal ng hanggang anim na buwan bago ito mabulok. Mabibili ang hospital beds sa halagang $US127 o PHP6466.84— tatlong beses na mas mura kumpara sa regular na uri. Mayroon din itong gulong sa ilalim upang mas mapadali ang paglilipat ng mga pasyente.

Maaari rin itong ma-disinfect kaya posible pa itong magamit muli.

Bago sumalakay ang COVID-19 na pandemya, gumagawa ng ABC Displays ng cardboard pieces para sa mga kumpanya sa industriya ng advertising.

Sa kabila ng inisyatibong makatulong sa kakulangan ng hospital beds, nakatanggap pa rin ng batikos ang kumpanya dahil sa diumanong nakakabahalang solusyon sa isyu.

Iginiit naman ng manager na tingnan na lang ang kanilang aksyon sa ibang perspektibo.

Sa ngayon, nakakagawa ng hanggang 300 hospital beds ang ABC Displays sa isang buwan.