PHP1.2 million na tulong ang ipinagkaloob ng NIA sa irrigators’ federation sa Ormoc bilang suporta sa pagpapatakbo at pagpapalago ng rice trading business nito.
Mas maagang nutrition support para sa mothers at babies ang inilunsad sa Negros Occidental sa pamamagitan ng Provincial First 1,000 Days Nutrition Program.
Magkakaroon ng free competency assessment ang TESDA para sa 970 OFWs sa Jeddah at Riyadh sa darating na buwan. Isang hakbang para sa kanilang hinaharap.
Sa kanyang pag-ambisyon sa posisyong pambatasan, itinatag ni Mayor Benitez ang Local Governance Transition Team para sa makinis na paglipat ng pamunuan.