Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang DOH ay magtatayo ng pop-up clinics o magpapadala ng medical team sa bawat evacuation site bilang tugon sa mga epekto ng Bagyong Carina at habagat.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kinakailangan na muling suriin at pag-aralan ang mga disenyo ng mga imprastruktura laban sa baha matapos maranasan ng libu-libo ang epekto ng habagat na pinalakas ng Bagyong "Carina."