Nanawagan ang DTI Western Visayas sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng regulated products upang makatulong sa pagpapalakas ng consumer protection.
Binigyang-diin ng DFA ang layunin ng ASEAN humanitarian mission na mapadali ang pag-abot ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan nito sa Myanmar.
Patuloy na nakikinabang ang mga Pilipinong mandaragat sa libreng training ng National Maritime Polytechnic na nagsimulang hindi maningil ng bayarin noong Agosto.
Handang-handang tanggapin ng Soccsksargen ang mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo, dahil sa pagpapatupad ng Department of Tourism ng kanilang ikasiyam na Philippine Experience Program.
Tayo na't ipagdiwang ang kulturang Pilipino! Ang Pilipinas ay magiging host ng kauna-unahang UN Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism para sa Asia at Pasipiko mula Hunyo 26 hanggang 27, ayon sa Department of Tourism.
Halina't suportahan ang hakbang ng DOT na paigtingin ang Halal certification sa mga restawran, upang maging mas maginhawa para sa mga Muslim na turista ang kanilang pagbisita sa Pilipinas.
Handog ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang kakaibang karanasan sa pamumuhay! Abangan ang pag-angat ng theme-park inspired housing project sa Misamis Oriental.