Nanawagan ang DTI Western Visayas sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng regulated products upang makatulong sa pagpapalakas ng consumer protection.
Binigyang-diin ng DFA ang layunin ng ASEAN humanitarian mission na mapadali ang pag-abot ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan nito sa Myanmar.
Patuloy na nakikinabang ang mga Pilipinong mandaragat sa libreng training ng National Maritime Polytechnic na nagsimulang hindi maningil ng bayarin noong Agosto.
Layunin ng DOT sa Ilocos Region na palakasin ang turismo sa pamamagitan ng mga makabagong imprastruktura na maghihikayat sa mga turista na magtagal sa kanilang pagbisita.
Ang patuloy na pagpapalakas ng kasanayan ng mga manggagawa at iba pang stakeholders, kasabay ng pagpapakilala ng mga bagong produkto at aktibidad, ay magdudulot ng mas mataas na antas ng turismo sa Cordillera Administrative Region.
Bilang tugon sa mga ulat ng pagdami ng mga batang undernourished, stunted, at obese, isinusulong ni Senate Majority Leader Francis 'Tol' Tolentino ang pagbibigay ng masustansyang meryenda sa mga mag-aaral tuwing recess bilang bahagi ng 'smart intervention' sa basic school system.
Sa pakikipagtulungan ng mga katuwang na ahensya, itinutulak ng DOT ang pagdagdag ng mga flight at paglikha ng mga bagong ruta upang taasan ang pagdating ng mga turista mula sa mga nangungunang merkado ng bansa.