Tuesday, November 19, 2024

Pagtaas Ng Passenger Capacity Sa Mga PUV Ng 70%, Ipinatupad Na

0

Pagtaas Ng Passenger Capacity Sa Mga PUV Ng 70%, Ipinatupad Na

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinatupad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 70% seating capacity para sa mga linya ng tren at piling public utility vehicles (PUVs) na tumatakbo sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit nitong probinsya.

Batay sa Memorandum Circular 2021-064 na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sisimulan ngayong araw ang gradual increase sa passenger capacity ng lahat ng Public Utility Buses (PUBs), Public Utility Jeepneys (PUJs), at UV Express (UVEs) sa Metro Manila at sa mga probinsyang napapaloob sa Metro Manila Urban Transportation Integration Study (MMUTIS) Update and Capacity Enhancement Project (MUCEP) o ang mga probinsya ng Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan.

Mula sa dating 30%, maaari nang mag-operate sa 70% passenger capacity ang mga pampublikong sasakyan alinsunod sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa at mas pinaigting na pagbabakuna laban sa sakit.

Noong ika-28 ng Oktubre 2021, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na ipatupad ang unti-unting pagtaas ng kapasidad ng mga pampublikong sasakyan, kabilang na ang road at railway systems, sa loob ng isang buwan hanggang maabot ang full capacity ng mga ito.

 

PLASTIC BARRIERS, HINDI REQUIRED

Nilinaw din ng LTFRB na hindi required ang paglalagay ng mga plastic barrier sa loob ng PUVs basta’t matitiyak na nasusunod ang tamang physical distancing at iba pang health and safety protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

“Hindi ‘ho DOTr ang nag-require na magkaroon ng plastic barrier sa pagitan ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan gaya ng jeepney. Ang inilabas na protocol ng DOTr noon ay ang pag-install ng plastic barrier upang ihiwalay ang drayber sa pasahero noong tayo ay nasa GCQ noong nakaraang taon,” ayon kay LTFRB Chairman Martin B. Delgra III.

Ayon pa kay Delgra, kinakailangang dagdagan ang kapasidad ng mga PUVs dahil na rin sa lumalaking pangangailangan para sa pampublikong transportasyon ngayong nagsisimula ng lumuwag ang mga quarantine restrictions at nagbubukas na muli ang iba’t ibang industriya.

Makakatulong din umano ang pagtaas ng seating capacity para maibsan ang epekto ng pandemya at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa kabuhayan ng mga tsuper at operator.

“The livelihood of public transport drivers and operators was severely affected with passenger capacity in public transport maintained at 50%. Increasing passenger capacity will mean a higher revenue for the public transport sector lalo’t mas marami ng tao ang pinapayagang lumabas. Malaking tulong ito sa ating mga kababayang pasahero at mga tsuper,” saad pa ni Chairman Delgra.

 

PAGTAAS NG KAPASIDAD SA MGA LINYA NG RILES MULA 30% HANGGANG 70%

Ipinatutupad din simula ngayong araw ang pagtataas ng passenger capacity sa lahat ng linya ng tren mula sa dating 30% patungong 70%.

Mula ngayong araw, mas maraming pasahero na ang maaring makasakay sa bawat train set ng LRT-1, LRT-2, MRT-3, at PNR.

 

LRT-1

30% capacity: 337 (1G trains), 407 (2G trains), 416 (3G trains)
70% capacity: 785 (1G trains), 951 (2G trains), 972 (3G trains)

 

LRT-2

30% capacity: 488
70% capacity: 1,140

 

MRT-3

30% capacity: 372
70% capacity: 827

 

PNR

30% capacity: 286
70% capacity: 667

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan, batay sa mga pag-aaral, maliit lamang ang tsansa na makasagap ng COVID-19 sa mga pampublikong transportasyon lalo na kung gagamit ng proteksyon laban sa sakit.

“Studies have shown that only 0.2% of traceable outbreaks in Germany were linked to transport; only 1.2% of COVID-19 clusters are linked to transport (land, air, and sea); and that there is only a 0.01% chance of contracting COVID-19 in public transportation, with the probability decreasing to 0.005% risk of infection with face covering,” ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan.

 

PATULOY NA PAGPAPATUPAD NG HEALTH PROTOCOLS

Sa kabila ng pagluwag ng mga quarantine restrictions at unti-unting pagtaas sa seating capacity sa pampublikong transportasyon, patuloy pa ring ipatutupad ng DOTr ang pagsunod sa health and safety protocols.

Para sa kaligtasan ng publiko, mahigpit na ipatutupad ang mga sumusunod na health and safety protocols sa mga pampublikong sasakyan tulad ng (1) Laging pagsusuot ng face mask at face shield; (2) Bawal makipag-usap at tumawag sa telepono; (3) Bawal kumain; (4) Laging panatalihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; (5) Laging magsagawa ng disinfection; (6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at (7) Sundin ang wastong physical distancing.