Ang pamahalaang panlalawigan ng Northern Samar ay bibigyang parangal sa Presidential Awards para sa mga Natatanging MSMEs 2024 sa Malacañang Palace sa Manila sa Hulyo 10.
Pinahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang kanyang paniniwala na ang Development Academy of the Philippines ay magiging instrumento sa pagpapaigting ng inobasyon sa serbisyong pampubliko ng pamahalaan.
Ayon sa Rizal Commercial Banking Corporation, umangat ang employment data noong Mayo dahil sa mas mainam na lagay ng panahon na nagdulot ng mas maraming trabaho sa agrikultura.
Isang patunay ng masigasig na trabaho ng DOF ang pag-angat ng Pilipinas sa global ranking sa investor relations at debt transparency, ani Secretary Ralph Recto.
Pinuri ni Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa ang magandang performance ng ekonomiya sa ilalim ng pamumuno ni Marcos at ipinaabot ang pagsigla ng interes ng mga kumpanyang Thai sa pagdagdag ng kanilang mga investment sa ating bansa.
Ang CAIR ay nagbukas na ng pinto para sa hinaharap ng AI! Si DTI Secretary Alfredo Pascual ay umaasa na magiging pagkakakitaan ang research and development efforts ng bagong sentrong ito.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, malaki ang kikitain ng Pilipinas mula sa paggamit ng AI-solutions ng mga negosyo, na aabot sa higit PHP2 trilyon kada taon. Ngunit dapat muna tayong mag-invest sa internet infrastructure.